|
| LAST ENTRY
Yup, it's my last entry for this blog. Kasi, hindi ako naging totoo dito. It was not a very honest online diary for me. I have lots and lots of things to say that I do not want any of the people I know to see/hear.
I must say to everyone who visited and read my blog, THANK YOU! ;) Really, it's a pleasure to know that somebody wants to know what you're thinking. I guess it's part of being a human.
If you've read some of my last entry, you'ld know how I'm feeling really bad lately. I don't know, part of growing up? Hormonal imbalance? Or just pure KAARTEHAN!? Oh well, basta, hindi ako ok nitong mga nakaraang araw, ay buwan pala. Basta yun.
After a really serious soul-searching, I finally pin-pointed something about me that I kept on hiding or denying. You know, some things about yourself that you'ld rather not think about, or just forget. I finally accepted that fact. For so long I thought I don't care about that, but now I know it has been killing me softly. I guess I was half-aware about it. I do not have enough guts to face it. 
But know, I believe and I really really hope na I'm healing na. I know it's gonna take some time, as they say. But at least now, I already know what's my problem and I guess I already have an idea how to solve it. Thanks to Katy and everyone who gave their time to listen and spend time with me.
Sana kahit sa maliit na paraan, sa pag-she-share ko ng iniisip ko, may napulot kayong aral(basura? ) sakin. Sorry hindi ko kayang magpakatotoo sa kauna-unahang blog kong ito. Pero kahit papano, dahil dito, mas nakilala ko sarili ko at sana kung kagaya ko kayo, mas makilala nyo rin ang sarili nyo. Akala ko kilala ko na kasi sarili ko, hindi pa pala. So ayun, I guess that's it, salamat sa inyo! ;) God bless sa inyo!
( In fairness, mamimiss ko yung chatterbox ko. Yung pagbabasa ng blog ng ibang friendships ko. Pero sige, I've got to move on na. ) | | |
| KATY
(Girl this is for you, di ko lam f alam mo blog ko, at baka magalit ka pag may nabanggit ako na something na ayaw mong makita sa net, psensya na)
Kaninang kausap kita, narealize ko, kokonti lang ang mga taong nagtitiyagang makinig sa lahat ng angas ko sa buhay. Nagpapasalamat ako, mula sa kaibuturan ng puso ko. Wag ka tatawa. Seryoso ako. Sobrang salamat. Naaappreciate ko ang mga oras na sinasayang mo sa pakikinig sa litanya ko. Salamat. San kaya ako pupulutin nagyopn kung hindi dahil sayo. Grabe, ang bait ni Lord na may isang taong nilikha na gaya mo. Sorry kung sobrang hindi ko napakinggan ang mga problema mo. Masyado akong absorbed sa pinoproblema ko. Peor nagpapasalamat ako sa oras mo. Salamat at nandyan ka para sakin. Naramdaman ko ulit na hindi ako nag-iisa.
Akala ko, by the time na magblog ako ulit ok na ko. Hindi rin nmn pala. Ganun pa rin ang ikinababagabag ng puso ko. Pero may isang nagbago, kasi, nandyan ka pala. Alam mo, hindi mo alam kung pano mo ako natulungan kanina. I might have done something to myself that probably I would regret eventually,(if ever I get the chance to regret pa nga...) salamat. At sorry na nakalimutan ko na may isang Katy pala sa buhay ko. Salamat. Patawad kung nakalimutan kita. It only shows na hindi ko nga masyado pinahahalagahan ang mga taong dumarating sa buhay ko. Nagkagayunman, salamat. Sabi nga ni Ma'am De Mesa, kailangan ng perfect timing. Sobrang tiyempo ka!
Sa totoo lang, ayoko ng pag-usapan iyon (kapag sa ibang tao). Mas gusto kong pagmunimunihan yun sa diary ko. Pero kanina, salamat at may napagsabihan na ako kung gano na ako kalugmok sa pinoproblema ko. Salamat Katy. Salamat din sa pagtitiwalang ikwento sakin ang mga bagay na nakasakit sayo, para lang may mapulot ako sanang solusyon sa pinoproblema ko. Alam ko, hindi mo na rin gustong balikan iyon, (sino namang taong nasa tamang katinuan ang gustong saktan ulit ang sarili matapos nyang gumaling sa sakit na yon!), pero ginawa mo para sakin. Maraming salamat. Sorry at kailangan mong sugatan ang sarili mo para lang makatulong sakin.
Alam mo, magaling kang tao. Kilala mo ako, bihira ako magpuri ng tao. At alam na alam mong hindi ako nagsisinungaling. You've got the talent. Pero you lack the guts na ipaglaban kung anong gusto mo. Kung balang araw, nasabi mo na sa sarili mong masaya ka na at kuntento sa buhay mo, text mo ko. At magiging sobrang saya ko na para sayo. Karapatdapat kang sumaya. Hindi ko alam kung pano ako makakatulong sayo, sa paraang natulungan mo ako. Nahihiya tuloy ako sayo. Pero kung meron man akong maitutulong sayo, sa ibang paraan, sabihin mo lang sakin. Nandito ako para sayo, gaya ng nandyan ka para sakin.
Akal ko nag-iisa ako, salamat sayo. Hindi ko ito makakalimutan. Salamat. | | |
| trouble... trouble... more trouble....
nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba kung anong problema ko sa buhay, siguro talagang naghahanap lang ako ng poproblemahin, kasi wala nmn akong maisip gawin, kaya lang minsan, alam mo yung feeling na may problema, nagtatago, naghihintay, at kapag hindi ka na nag-aalala, o nawaglit sa isipan mong may dapat paghandaan, saka ito lulusob, kakainin ka ng buong-buo at wala ka ng magagawa kundi ang umiyak sa kawalan mo ng lakas para ipagtanggol ang sarili mo, hindi sa wala ka na talagang magagawa, kundi sayang masasaktan ka lang kapag lumaban ka pa dahil kung minsan, mas masarap isiping natalo ka kasi nagpatalo ka naman talaga at hindi ka na lumaban, kasi kung lumaban ka paat natalo ka, ano ka, talunan, na ginawa mo na ang lahat sa laban ngunit sa huli ay natalo ka lang, kaya mas mamabutihin mong wag na lang lumaban at panoorin na lang ang unti-unting pagbagsak ng iyong pagkatao, at hayaan ang mga tao na husgahan ka, at ipanalangin na sana ay maawa nalang sila sayo at hindi maging kritikal sa mga ginawa mong desisyon dahil pagnagkataon madaragdagan ang sakit nanararamdaman mo dahil hindi nila naunawaan ang pinagdaanan mo | | |
| it's been a while
- since nag-net ako at nagsulat ng entry dito.
- since kumain ako ng chicken fillet ng KFC
- since i enjoyed walking sa sunken garden at walang inaalala.
- since kasama ko lagi/madalas kumain ng lunch/meryenda/brunch ang mga taong mahal ko.
- since may receive akong text mula sa taong mahal ko.
- since i felt that i'm special sa pinakafavorite kong tao.
- since nahawakan ko yung balahibo ng pinakamamahal kong aso.
- since naging sobrang saya ko.
- since nagpakatotoo ako at nagpakatotoong-totoo lang.
- since nagtiwala ako ng buong-buo.
- since nasayang lang lahat ng pagmamahal ko.
- since pinangako kong di na ko uulit.
- since naging ok na ko, feeling ko.
- since niloko ko sarili kong ok na ko.
- since napanatag ang puso ko.
| | |
| Tired
Weird, but yes, I'm tired. I've been to Toyota yesterday. (that is in Sta. Rosa Laguna) ha.... I'm so tired even to say what happen....... hay... kaya ko toh!
I woke up 3AM. By 4Am my mom and I were on our way to Pasay Taft. Nandun kasi yung sakayan. That was the first time that I, Racquel Colina, the baby of my mom, will venture out into an unknown world, alone! Muntik na ko bumaba ulit ng bus, patakbong lalapit sa nanay ko at iiyak, "Ma, hindi ko kaya! Hindi ko kayang mag-isa! Samahan mo ko!"
Pero buti na lang at hindi ko ginawa yun, kundi magmumukha akong ewan.
At sa wakas, nakarating ako ng Balibago, Laguna. Nangawit leeg ko sa kakatingin if nasa tamang exit dumaan yung bus. (xempre nagmarunong pa ko sa driver! alangan nmng mali sya ng puntahan, siguradong ako yung mali ng sinakyan! divah!?)
Ang aga ko nakarating dun, before 6Am nandun na ko. Naupo ako dun sa may gate nila. (Gate 1). Nagdatingan yung shuttle bus nila. Ang sakay mga workers nila. Puro lalaki! At in fairness, ang daming gwapo!!!!
Dumating din sina Kath Yagan, si Velma at si Gay. May dalawa pang ibang ppl na nag-aapply for the position of Quality Control Engineer.
Ininterview kami, nag-exam, pumasa, nag-interview ulit. Nakauwi kami 530PM na! Buti na lang pinasabay na kami sa shuttle na hanggang Cubao, so nakatipid kami di ba? Tapos may nakasabay pa ko na taga-Toyota, binayad ako sa bus, e di libre yung pamasahe ko pabalik. Ang saya! :)
Pero pagod ako. Gusto ko ikwento yung nangyari sa interview kaya lang... hehehe... wag na lang.... :)
Basta, marami pang ibang company jan. At may good news ako, yung pangarap company ko, nagreply sa ini-mail kong resume, hindi daw nila mabuksan yung email ko. Baka pumunta na lang ako sa kanila no? Well at least nagrereply sila di ba? Yun muna for now, madami akong raket ngaung week na ito. Lagot ako bukas sa isang tao, bibiguin ko sya. Usapan namin pupunta ako, pero hindi ako pwede makarating, mang-iindyan ako. Hay, sorry po. Sana mabasa mo ito... sana ma-gets mo ako. | | |
|
|